Thursday, March 3, 2011

Mga Bundok na Tila Puting Elepante

Ang "Sinabi" at "Hindi Nasabi"


"Ito at isang napakadaling intindihin na operasyon, Jig" Wika ng binata. "Parang hindi nga ito operasyon e"
Tumingin ang dalaga sa sahig kung saan nakahilata ang mga paa ng mesa.
"Alam kong hindi ka maaabala nito, Jig. Di naman talaga ito kawalan. Para lamang mahanginan ito."
Hindi nagsalita ang dalaga.
"Hahatid kita at sasamahan kita sa lahat ng oras. Hahayaan lang nilang mahanginan ito at magiging mabuti na ang lahat."
"At ano naman ang susunod nating gawin pagkatapos?"
"Magiging maayis tayo pagkatapos noon. Katulad nang dati."
"Paano mo ito nasabi?"
"Yun lamang ang bumabagabag sa atin. Yun lang ang nakapagpalungkot sa atin."
Nakatingin ang dalaga sa kurtina, nilabas ang kanyang kamay at hinimas ang dalawa sa mga butil.
"At sa tingin mo ba, matapos nito magiging maayos at masaya tayo?"
"Nakatitiyak ako, Hindi mo kailangang matakot. Marami akong kakilalang taong isinagawa na ito."
"Ako rin," Sabi ng dalaga. "At matapos nito lahat sila ay masaya."
"Bueno," wika ng binata, "Kung hindi mo gusto, di mo kailangan itong gawin. Di ko nanaising isagawa mo ito kung hindi mu ito gusto. Pero alam ko'y ito ay madaling unawain."
"At talagang gusto mo?"
"Sa palagay ko ito ang mainam na gawin. Pero ayokong gawin mo ito kung ayaw mo talaga."
"At kung ipinagpatuloy ko, magiging masaya ka at magiging maayos ang lahat at mamahalin mo ako?"
"Mahal kita ngayon, Alam mong mahal talaga kita."
"Oo, Pero pag ipinagpatuloy ko, edi magiging maayos ulit kung sinabi kong ang mga bagay ay parang mga puting elepante, at magugustuhan mo ito?"
"Magugustuhan ko talaga ito. Gusto ko nito, pero di ko ito di ko ito maisip. Alam mo naman kung ano ang nangyayari sakin pag nagaalala ako."
"Pag ginawa ko ito, di kana magaalala?"
"Di ako magaalala dahil napakalinaw nitong intindihin."
"Edi gagawin ko ito. Dahil wala akong pakialam sa aking sarili."
"Anung ibig mung sabihin?" "Wala akong pakialam sa aking sarili."
"Kase, inaalala kita."
"Oh, Oo. Pero wala akong pakialam sa aking sarili. At gagawin ko ito at maayos na ang lahat."
"Ayokong gawin mo ito kung ganyang ang nararamdaman mo."

They were thinking of getting an abortion.

No comments:

Post a Comment